duterte-dilg
By

DILG tiwalang tataas ang suporta sa pederalismo

Sharing is caring!

Malaki ang paniniwala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dadami ang susuporta sa pederalismo sa oras na matapos ng Consultative Commission, na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kanilang trabaho at mapasa ang mga rekomendasyon nito sa taumbayan sa Hulyo ng taong ito.

Ito ang sinabi ni Assistant Secretary Jonathan Malaya, pinuno ng DILG’s Federalism and Constitutional Reform program, kaugnay sa isang survey result na inilabas ng Pulse Asia.

Ayon sa kanya, ang survey ay nagpapakita na 55% sa 1,200 ay bukas sa pagbabago sa Konstitusyon ngunit hindi sa ngayon.

“If you study carefully the survey results, 23% said that they are open to amending the charter now while 32% are open to amending the charter in the future, which means a majority actually support charter change. Only 32% are strongly opposed to it now or in the future,” pahayag ni Malaya.

Ayon pa kay Malaya, katulad lamang ito ng usapin sa pagbabago kung saan 57% ang nagsasabing pabor sila ngunit sa ibang pagkakataon.

“We should note that 27% said they are “in favor” while 30% are open to it in the future,” sabi pa ni Malaya.

Sa tingin ni Malaya ay wala pa sa panahon ang survey result dahil wala pang matibay na panukala na naihahain dahil pinag-uusapan pa rin ng Consultative Commission ang mismong panukala sa kasalukuyang administrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?