17

Jan 11, 2022 @ 9:45
By

DILG Sec. Año sapol ulit ng COVID

Sa ikatlong pagkakataon, muling nagpositibo sa COVID-19 si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año.

Ayon kay Año, nagpositibo siya noong Lunes matapos madale ng COVID ang ilan sa kanyang mga close contact.

Siya raw ay asymptomatic at kayang magtrabaho habang naka-isolate.

“Thankfully, I remain asymptomatic as of now. I will continue to work while isolating. I encourage everyone to get vaccinated and boostered as soon as possible, and to continue following health protocols,” saad sa pahayag ng kalihim.

Unang tinamaan ng COVID si Año noong Marso 2020 at muling nadale noong Agosto 15, 2021. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?