94

By

DILG sa publiko: NPA ideklarang persona non grata

Hiniling ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang suporta ng publiko upang tulungan ang pamahalaan na tuldukan ang 50-taong communist insurgency sa bansa sa pamamagitan ng pagdedeklara sa New People’s Army bilang persona non grata at pag-anyaya sa kanila na ibaba na ang mga armas at maging kabahagi muli ng lipunan.

“Tulungan ninyo kaming hikayatin ang mga rebeldeng komunista na ang digmaan ay hindi solusyon sa mga suliranin ng ating bansa. Ang kahirapan, kawalang katarungan at korapsyon ay mga karaniwang isyu na kanilang sinasamantala kaya naman sa simula pa lamang ay naging prayoridad na ang mga isyung ito sa ilalim ni Pangulong Duterte na malulunasan sa pamamagitan ng mabuting pamamahala at pagtutuon ng mga hakbang upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan,” paliwanag ni Año

Batay sa tala ng Task Force Balik-Loob, higit sa 8,300 na ang mga sumukong rebelde sa pamahalaan sa pagtatapos ng 2018.

May kabuuang bilang na 2,129 na dating mga rebelde – 1,505 NPAs at 624 Militia ng Bayan – ang nabigyan din ng tulong mula 2018 at 2019 sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

Ipinahayag ng DILG chief na kamakailan ay inilunsad din ng pamahalaan ang retooled community support program na naglalayong tugunan ang pangunahin at sekondaryang mga isyu sa mga pamayanan sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga inisyatibo ng pamahalaan at partisipasyon ng mga mamamayan sa development planning.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?