71

Oct 17, 2019 @ 10:27
By

DILG sa mga LGU: Ban sa processed meat alisin!

Nagpalabas ng direktiba si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa lahat ng mga local government unit (LGU) na alisin ang ban sa processed meat products.

Nag-isyu na umano siya ng kautusan sa mga LGU na iitsapuwera ang Food and Drug Administration (FDA)-certified processed meat products sa kanilang mga import ban.

Ang aksiyon ng DILG chief ay kasunod ng inanunsiyo ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (Pampi) na nalulugi na nang P50 hanggang P60 bilyon dahil sa import bans na pinatupad ng mga provincial at local government.

“Nagpalabas na ako ng kautusan sa mga LGUs ngayon na hindi kasama ‘yung processed meat [sa ban], lalo na kapag may ano ‘yan, may mga FDA certifications [at] approval,” ani Año sa isang panayam.

Giit ng kalihim na hindi dapat kasama ang canned goods dahil ligtas naman umano itong kainin, at ang raw meat lamang ang pinapa-quarantine.

Paliwanag pa ni Año, ang pag-alis sa ban ng mga processed meat product ay makatitiyak na hindi mauubusan o kakapusin ang bansa sa suplay sa nalalalpit na holiday season.

“May pinalabas na tayo diyan na order in coordination with DTI [Department of Trade and Industry] and DA [Department of Agriculture]. Basta processed meat, canned goods hindi kasama iyan. Otherwise, mahirapan tayo diyan, mauubusan tayo ng supply,” dagdag ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?