6
barangay-hall
By

DILG sa barangay, SK candidates: Hoy Linis!

Sharing is caring!

Mahigit isang linggo matapos ang barangay at Sangguniang Kabataan elections, nagpaalala ang DILG sa mga kandidato na linisin ang kanilang mga kalat.

Binigyan lang hanggang ngayon linggo ni DILG officer in charge Eduardo Ano ang mga kumandidato para linisin ang kanilang mga campaign materials.

Ipinag utos ni Ano ang paglilinis matapos malaman mula sa MMDA na higit sa tatlong truck ng campaign materials, partikular na ng mga tarpaulins, ang nahakot sa ilang bahagi ng Metro Manila ilang oras matapos ang eleksyon noong Mayo 14.

Pinuna pa ni Ano na marami pa rin mga nakadikit na campaign materials sa mga pampublikong-paaralan na ginamit na polling precints.

Pagdidiin ng opisyal dapat ay pinangungunahan ng mga kumandidato ang clean up operations.

Ito ay para sa mga nanalo at natalong kandidato, ayon pa kay Ano, para ipakita na responsable at tapat silang maglingkod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?