75
pnp-dilg
By

DILG, PNP kinalampag ng mga senador para sawatain ang patayan

Mariing kinondena ng mga senador ang sunod-sunod na patayan kung saan pinakahuling biktima si Tanauan Ciy Mayor Antonio Halili.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on local government, kailangan nang kumilos ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police (PNP) upang masawata ang ganitong mga pagpatay at upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Halili.

Ito rin ang hamon ni Sen. Bam Aquino sa mga awtoridad dahil nakababahala na aniya ang mga karahasan na wala nang pinipiling biktima – opisyal man ng gobyerno, pari o tambay, wala na aniyang ligtas kahit sino at kahit saan.

Sinabi naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na dahil sa mga patayan kaya inaasahan ang PNP at lahat ng law enforcement agency na maging agresibo na laban sa mga kriminal.

“Criminalty in the country has always been alarming that’s why we want government to come down hard on the criminals and not contract efforts to do so,” ani Sotto. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?