19

Mar 15, 2021 @ 22:07
By

DILG paubos na budget para sa contact tracer

Inamin ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang pondo nila sa pag-hire ng mga contact tracer ay sapat lang hanggang Hunyo nitong taon.

Sabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kaya naman humiling na ang ahensiya ng dagdag pondo para sa gastusin sa contact tracing upang magpatuloy ito hanggang Disyembre 2021.

Ani Malaya, kabilang ang hirit nilang dagdag pondo sa Bayanihan Act 3 pero nakasalalay sa Kamara at mga economic manager ang paglalabas nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?