22

Jun 25, 2020 @ 15:01
By

DILG: Pag-isyu ng PWD ID, hihigpitan

Dahil sa mga reklamo ng pandaraya, inutusan ng Department of Interior and Local Government ang mga local government unit para mas gawing strikto ang pagbibigay ng mga persons with disability (PWD) ID.

Ito’y matapos na lumutang na isang pamilya ang nireklamo dahil anim sa mga miyembro nito ay may PWD ID kahit ang ilan dito ay hindi qualified.

“The law has good intentions but there are some people abusing the privileges which should be given to real PWDs. LGUs should, therefore, be wary of such individuals who want to secure a PWD ID even if they are not entitled to PWD privileges,” saad ni Año.

Hinimok din ni Año ang mga business establisment na i-report sinuman ang gumagamit ng mga pekeng PWD ID para mapanagot ang mga ito.

Sa Quezon City ay sinuspende muna ang pag-isyu ng nasabing ID para baguhin ang kanilang guideline.

“Kung walang mag-re-report, hindi natin mapipigilan ang ganitong panggugulang. We, therefore, urge business establishments to come forward if they encounter PWD impersonators with IDs so that authorities can act accordingly,” ayon sa kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?