6

Jan 27, 2021 @ 16:18
By

DILG pabor sa Con-Ass

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat idaan sa Constituent Assembly o Con-Ass ang panukalang amiyendahan ang limitadong probisyon ng 1987 Constitution.

“The experience of older democracies in the world is that legislative action through a Constituent Assembly of both houses of the legislature proved to be the most expeditious manner to effect changes in the Constitution,” pahayag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Laws.

“In practice all over the world, Constitutional Conventions are not meant for amendments but are convened by Congress for the purpose of drafting an entirely new Constitution,” dagdag nito.

Sa Constituent Assembly, magtitipon ang Kongreso para amiyendahan ang Saligang Batas. Sa Constitutional Convention o Con-Con, ang mga mag-aamiyenda ng Konstitusyon ay ihahalal ng mga tao.

Ayon kay Malaya, ang pagbago ng economic provision sa Konstitusyon ay magiging ‘significant factor’ para maging aktibong muli ang ekonomiya at makabangon mula sa masamang epekto ng pandemya.

Sinabi pa nitong dapat bumoto nang hiwalay ang Kamara at Senado sa pamamagitan ng Con-Ass.

“We believe this is the case because the bicameral nature of Congress makes separate voting logical, prudent, and reasonable,” sabi ni Malaya.

Kailangan din umanong magkaroon ng referendum sa panukalang charter amendment na isasabay sa 2022 elections.

Samantala, sinabi naman ni dating Associate Justice Adolf Azcuna na hindi na kailangang magpatawag ng Con-Con kung economic provision lang ang babaguhin sa Konstitusyon.

“It can be done very simply by resolutions of both houses, three-fourths vote by Lower House, three-fourths vote by [Senate] and then present it in a plebiscite,” sabi ni Azcuna.

Dapat din aniyang magtipon ang dalawnag kapulungan ng Kongreso para talakayin ang panukalang pag-amiyenda sa Saligang Batas.

“The members of the Senate and House should hear each other but vote separately,” sabi ni Azcuna

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?