14

Jul 20, 2021 @ 16:09
By

DILG: Pa-meeting ng mga politiko ‘superspreader event’

Nagbabala ang Department of the Interior and the Local Government (DILG) sa mga politiko na maaaring magresulta sa “superspreader event” ng COVID-19 ang mass gathering na inoorganisa ng mga ito.

Kasunod ito ng natatanggap na mga report ng DILG tungkol sa mga mass gathering ng mga politiko ngayong pandemya.

“Magiging mahigpit po tayo sa mass gathering. I do understand na meron kaming nare-receive na report na nagma-mass gathering o nagsisimula na po ‘yung mga pa-meeting ng mga politiko,” saad ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III sa Laging Handa briefing.

“Sana po ‘yung mga politiko magdalawang-isip muna at huwag munang ituloy itong pa-meeting,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?