7

May 3, 2021 @ 15:40
By

DILG: P8-B ayuda napamigay na sa NCR

Lampas P8 billion na ang ayuda na pinamigay sa Metro Manila, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

“Dito po sa NCR, nasa 75% na po tayo na nakatanggap ng ayuda so P8.4 billion na po ang naipamigay nating ayuda sa ating mga kababayan, which means 8,410,659 ang mga benepisyaryong nakatanggap ng ayuda,” saad ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Kumpiyansa si Malaya na mapamimigay lahat ng ayuda bago matapos ang kanilang deadline sa May 15.

Ilan sa mga malapit nang makakumpleto ng distribution ay sa Caloocan (96.31%), Quezon City (94.96%), Mandaluyong (92.51%), Navotas (90.68%), Manila (88.39%), Pateros (87.69%) at San Juan (80.40%).

Ang cash aid ay ikinasa nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso, kung saan makatatanggap ng hanggang P4,000 ang kada benepisyaryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?