elections-dilg-sk
By

DILG nakatutok sa ‘3rd termers’ sa barangay polls

Sharing is caring!

Pinakiusapan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Eduardo Año ang mga ‘last termer’ na mga barangay official na huwag nang subukan pang tumakbo sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Año dapat ay pagbigyan naman ng mga nakapagsilbi na ng siyam na taon ang mga ‘bagong dugo’ na nais ding makapagsilbi sa barangay.

Kasabay na nito ang babala ng opisyal na ang DILG at Commission on Elections (Comelec) ay nakatutok sa mga third-term barangay officials na susubukan muling maupo sa kasalukuyang posisyon.

Paalala pa ni Año, nililimitahan ng Local Government Code sa tatlong termino lang maaaring hawakan ng isang halal na opisyal ang isang posisyon.

Kaya’t aniya ang mga magtatangka na muling mahalal sa darating na May 14 elections ay lalabag sa batas at mahaharap sa mga kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?