18

Dec 26, 2020 @ 15:42
By

DILG: Mga LGU pwedeng bumili ng bakuna

Hindi pipigilan ng national government ang mga local government unit (LGU) na bumili ng sariling bakuna para sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, papayagan ang mga lokal na pamahalaan na kumuha ng bakuna basta’t aprubado ito sa Food and Drug Administration.

“Sa usapin ng pagbili ang commitment ng national government ay makabili ng bakuna para sa mas nakakaraming Pilipino ngunit hindi ipinagbabawal ang LGUs na mag-augment nito,” lahad ni Malaya.

“Kung gusto pa nila ng dagdag na constituents nila na hindi priority, puwede silang bumili at i-vaccinate ang kanilang constituents, puwede silang bumili provided na approved ng Food and Drug Administration,” aniya pa.

Prayoridad ng national government na mabakunahan ang mga health frontliner, senior citizen at mahihirap na kababayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?