104

May 21, 2020 @ 12:51
By

DILG: Mga humirit ng dagdag cash aid bukod sa SAP, kakasuhan

Pinakiusapan ng Department of Interior and Local Government na isoli ang perang natanggap mula social ameliorationg program (SAP) kapag kumuha pa ng ibang tulong pinansyal mula sa gobyerno.

Ayon kay DILG spokesperson Jonathan Malaya, papadalhan ng sulat ang mga hindi magsosoli ng pera mula sa first tranche ng SAP, at posibleng managot kapag hindi susunod sa utos.

“Kung hindi kayo magsauli makakatanggap kayo ng demand letter mula sa DSWD (Department of Social Welfare and Development). At posible na kapag hindi nasasuli, alam niyo naman ang implikasyon ng demand letter,” saad ni Malaya sa dzBB.

“A demand letter is a legal document issued by a competent authority requesting you to return so merong option to mag-comply kaagad at kung hindi there is a possibility na kayo ay mahabla,” paliwanag pa nito.

Ang nasabing isyu ay nag-ugat matapos na ilang residente ang nakakuha na sa SAP at may natanggap pa mula sa small business wage subsidy program ng Social Security System na inasikaso ng mga employer.

“May database ang SSS, electronic kasi sila ang pagbibigay. May mga employers na nag-apply sa small business wage program. Ngayon sa DSWD, ine-encode ng LGUs ‘yung beneficiaries nila in an excel format. At ito ay requirement for liquidation for LGUs so mahuhuli talaga ang hindi magsauli,” ayon sa Interior Undersecretary.

“Ang naging decision ng techncial working group ang isasauli ay yung sa DSWD, yung SSS kasi yan ay binibigay sa bangko so mahirap sauliin yun pero yung sa DSWD pwede mo ibigya sa social worker at bibigyan ng resibo ng treasure’s office,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?