6

Jan 11, 2021 @ 18:04
By

DILG: Lahat ng LGU — may pondo o wala — mabibigyan ng bakuna

Makakakuha ng bakuna ang lahat ng lokal na pamahalaan, may pondo o wala, ng bakuna ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

“Itong efforts ng mga local government units are simply augmentation to what the national government is going to do. Smaller LGUs, they have nothing to fear because whether or not may pondo sila, kasama sila sa programa ng national government,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa isang panayam.

“We wish to assure ‘yung ating mga kababayan na whether or not ang inyong LGU ay bibili ng bakuna, kasama kayo sa national vaccination program ng ating pamahalaan. We are going to get from as many suppliers as we can. And ang condition lang, of course, is that the Food and Drug Administration has issued it an emergency use authorization,” saad niya.

Tinukoy naman ni Malaya ang Quezon City (QC) bilang pinaka unang lungsod na nakipag-ugnayan para sa suplay nila ng bakuna kontra Covid-19.

“Marami nang LGUs have been coordinating with the National Task Force. Pinakauna nga yung Quezon City. Quezon City was like the benchmark. All of the negotiations were done with the National Task Force together with the pharmaceutical company and the LGU so naayos kaagad,” aniya,

May pondong itinabi ang QC na P1 bilyon para makapyaw ng mga bakuna at mga kagamitan na kakailanganin para sa malwakang pagbabakuna sa kanilang lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?