dilg-eduardo-ano

DILG: Ituloy ang barangay, SK elections

Sharing is caring!

Umaasa ang Department of Interior and Local Government (DILG) na matutuloy pa rin ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa May 14 sa kabila ng mga pagkilos na maipagpaliban ang halalan.

Sinabi ni DILG officer-in-charge Secretary Eduardo Año, napapanahon na upang malinis ang hanay ng mga opisyal ng barangay.

Sapat na aniya ang limang taon na pananatili sa kanilang puwesto ang mga barangay official kaya napapanahon na upang gamitin ng publiko ang kapangyarihan kung bibigyan ng bagong mandato o patatalsikin na sa puwesto ang kanilang opisyal.

Naniniwala ang kalihim na kailangan na magkaroon ng mga bagong barangay officials na susuporta sa nais na pagbabago ng administrasyon Duterte.

Binigyan-diin ni Año na hanggat walang batas na tuluyang nagpapaliban sa halalan, kasado na ang preparasyon para sa Barangay at SK elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?