36

Jan 10, 2022 @ 14:02
By

DILG: Ilang Pinoy ayaw paturok sa takot maging zombie

Ibinahagi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na nakakalap siya ng impormasyon tungkol sa mga opisyal ng ilang liblib na barangay sa bansa na ayaw magpabakuna dahil sa paniniwalang magiging zombie sila.

“[The DILG] does not have that data yet … There are a number of barangay officials [who do not want to be inoculated],” saad ni Malaya nitong Linggo sa panayam ng Inquirer.

Ang mga barangay official ang siyang inataan ng DILG na magbantay sa kanilang mga lugar upang masiguro na ‘di pagala-gala ang mga ‘di bakunado.

Samantala, sa isang panayam sa radyo ay ikinuwento ni Malaya na noong siya ay nag-ikot sa kasagsagan ng national vaccination day ay nakarinig siya ng ilang kwento tungkol sa mga barangay official at mga indibidwal na ayaw magpaturok laban sa COVID dahil sa mga paniniwalang espiritwal, maging ang paniniwalang magiging zombie umano sila.

“We may think nobody really believes that but I’ve heard of that so many times in Quezon, Bicol, wherever I went,” pahayag ni Malaya.

“The other reason is religious belief. There are members of religious congregations that have been describing vaccination as demonic or satanic,” dagdag pa niya.

Gayunman, sinabi ni Malaya na ginagawa naman nila ang lahat upang matanggal sa mga tao ang maling paniniwala sa COVID vaccine.

“We’ve been telling them that the government would not do anything that would bring harm to citizens. We tell them that these myths are baseless because the government would not want to endanger them,” saad pa ni Malaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?