141

Oct 25, 2019 @ 20:57
By

DILG exec, natagpuang patay sa opisina

Natagpuang patay ang assistant regional director ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 8 sa loob ng kanyang tanggapan sa Tacloban City, Huwebes ng tanghali.

Ayon kay DILG spokesperson Usec. Jonathan Malaya, nakita ni Regional Director Artemio Caneja at ng kanyang mga tauhan bandang alas-12:30 ng tanghali noong Oktubre 24 si Valente Bajet, 55, na “unresponsive” sa kanyang tanggapan.

Dahil dito ay agad na isinugod ng Tacloban City Rescue Unit, PRO 8 SOCO at Tacloban PNP si Bajet sa Tacloban City Health Office subalit idineklarang patay bandang ala-1:30 ng hapon ni Dr. Gloria Fabrigas.

Hanggang sa isinusulat ito ay wala pang ipinaabot na detalye ang pamunuan ng DILG kung ano ang ikinamatay ng nasabing opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?