25

Oct 28, 2021 @ 15:05
By

DILG: Bloomberg ranking sa COVID resilience bias

Pabor umano sa mga Western country ang buwanang COVID Resilience Ranking ng Bloomberg, ayon kay Department of Interior ang Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya.

Kahapon inilabas ng Bloomberg ang ranking para sa buwan ng Oktubre kung saan kulelat ang Pilipinas sa 53 bansa na niranggo, sa iskor nito na 40.5.

Ngunit para kay Malaya, hindi patas ang ranking dahil iilan lang umano sa mga bansa dito ang nasa Asya at karamihan ay mula sa mayayamang bansa sa kanluran.

“In my opinion, it is really a biased survey towards Western countries,” ani Malaya sa panyam ng ANC. “That is really unfair for the Philippines, while it did assess our neighboring ASEAN countries, it did not assess a lot of countries in Asia.”

Ang mga nanguna sa ranking ay Ireland, Spain, United Arab Emirates, Denmark at Finland. Ang USA ay pang-26, habang ang China ay pang-28.

Samantala, ang mga kapitbahay na bansa ng Pilipinas na Indonesia, Malaysia, Thailand at Vietnam ay pare-parehas nasa dulo ng rankings.

Gayunman, tiwala si Malaya na sa susunod na buwan ay tataas na ang ranking ng bansa, bunsod ng pinabilis na pagbabakuna at pagbaba ng mga kaso ng COVID.

“We’re getting there. I would expect an improvement to the ranking by next month.”

Ang criteria sa naturang ranking ay lawak ng pagbabakuna, pagpigil sa hawaan ng COVID, higpit ng lockdwon, kalidad ng healthcare, progreso sa pagbyahe, at bilang ng mga nasasawi dahil sa virus.

Noong Setyembre ay kulelat din ang Pilipinas sa nasabing ranking. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?