18

Apr 6, 2021 @ 20:22
By

DILG binalaan mga LGU: Kulong sa mga mandadaya sa ayuda!

Hindi lang sibak sa serbisyo ang haharapin ng mga local offficial na mahuhuling nakikialam sa distribusyon ng ayuda sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Interior Undersecretary Martin Dino na kulong ang aabutuin ng sinumang mapapatunayang nagmanipula sa pamimigay ng ayuda.

“Siguro ang matinding babala ngayon, hindi lang po namin kayo ipatatanggal, ang gusto ni Presidente ipakulong na kayo, ‘yung mga gagawa ng mga pamimili,” saad ni Diño sa panayam ng TeleRadyo.

Aniya, ilan umano sa mga ginagawa ng ilang local government unit (LGU) at ang pangongotong o hindi kaya’y hinahati ang mga pinamimigay na ayuda.

Saad pa ng DILG official, ang tagubilin ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hulihin ang mga mayor hanggang barangay captain na mandadaya sa ayuda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?