66
dilg
Jul 5, 2019 @ 17:22
By

DILG: 85% ng Yolanda funds, na-liquidate na

Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya ang usapin ukol sa sinisita sa kanila ng Commission on Audit (COA) na unliquidated funds ng Recovery Assistance for Yolanda.

Giit ni Malaya, 85 porsiyento o P3.45 bilyon sa mahigit P4 bilyon na pondo ang na-liquidate na habang ang nalalabing 15 porsiyento o o higit P600 milyon ay ongoing pa ang proyekto.

Sakop sa programa ang repair, rehabilitation at reconstructions ng government facility at mahigpit na aniya nila itong tinututukan.

Paliwanag naman ni Secretary Eduardo Año, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay marami nang accomplishments sa implementasyon ng Yolanda project ang hindi naisama sa report ng COA na may cut-off date na December 31, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?