258

Dec 7, 2021 @ 11:58
By

DILG: 8 lugar sa NCR nananatili sa granular lockdown

Walong lugar sa National Capital Region (NCR) ang kasalukuyang nasa ilalim ng granular lockdown.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na tanging 8 lugar na lang sa Metro Manila ang nasa granular lockdown.

Sinabi ni Año sa isang briefing kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipinalabas nitong Martes, nakakaapekto ito sa 70 indibidwal at 26 na kabahayan na lamang.

Dagdag pa niya, ang walong lugar ay bahagi ng 77 na lugar sa buong bansa na inilagay sa ilalim ng granular lockdown.

Ito ay nakakaapekto sa kabuuang 99 na kabahayan at 272 indibidwal, mas mababa kaysa noong Nobyembre 13 na 399 na lugar na nasa ilalim ng granular lockdown. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?