7

Oct 1, 2020 @ 16:50
By

DILG: 55K aplikante para maging contact tracer

Lagpas 55,000 ang mga nag-apply sa Department of Interior and Local Government (DILG) para maging contact tracer, ayon kay Interior Undersecretary Bernardo Florece Jr.

Sa pagdinig ng panukalang P6.7 bilyong pondo ng DILG para sa 2021, sinabi ni Florece na 55,213 ang nag-apply at 47,000 na ang pinoproposeso ang papeles.

Naunang nang nag-hire ang DILG ng 10,000 contact tracers.

Ayon kay Florence, ang P5 bilyon pondo na inilaan ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ay gagamitin para sa kompensasyon ng bawat isang contact tracer na susuweldo ng P18,784 kada buwan sa contract-of-service status.

Trabaho ng bawat contact tracer na magsagawa ng interview, profiling at magsagawa na inisyal na public health risk assessment ng COVID-19 case at tukuyin ang kanilang close contact.

Ire-refer naman nila ang mga close contact sa isolation facility sa kanilang lugar.

Imo-monitor din nila araw-araw ang mga nakasalamuha ng isang pinaghihinalaang may virus sa loob ng 14 araw.

Nitong Setyembre, umabot na 97,400 ang contact tracer sa bansa at pagkuha ng dagdag ng puwersa ay makakatulong para maabot ang ideal ratio para dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?