134

Feb 28, 2021 @ 17:18
By

Dilaw na buwaya, naispatan sa Rizal

Bumulaga ang isang dilaw na buwaya sa mga residente ng Rodriguez, Rizal.

Ayon sa ulat mg GMA News, isang High Yellow Indo-Pacific saltwater crocodile ang nakitang buwaya.

“‘Yung crocodiles at ibang reptiles na may high yellow mutation, meron silang tinatawag na condition na ‘overexpression’ ng yellow pigments nila. Kaya ang appearance nila ‘pag nakikita natin sila ay kulay dilaw sila predominantly,” wika ni Noel Rafael ng Curator and Conservation Program Director ng Avilon Zoo.

Aniya, kapareho naman nito ang mga pangkaraniwang buwaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?