41

DiGregorio pumutok, unang panalo inilista ng Blackwater

Sa wakas ay nakapagmarka na ang Blackwater Elite ng kanilang unang “W” sa 2019 PBA Philippine Cup.

Dinungisan ng Elite ang malinis na record ng Rain or Shine Elasto Painters sa bisa ng 111-99 na panalo nitong Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Bagsak sa 2-1 ang Painters habang umahon sa 1-2 ang Elite.

Binalikat ni Mike DiGregorio ang Elite matapos magpasabog ng 37 points sa third period.

Dahil nasa kanila ang momentum, hindi na binitawan ng Blackwater ang kontrol sa laro at tuluyang iniuwi ang panalo.

Sunod na haharapin ng Elite ang nangungunang Phoenix Pulse Fuel Masters (3-0) sa February 1 sa Ynares Center sa Antipolo City habang hahamunin naman ng Elasto Painters ang San Miguel Beermen (2-2) sa kaparehong araw. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?