37
kia-blackwater
Feb 16, 2018 @ 21:46
By

DiGregorio, Erram bumida sa pagsipa ng Blackwater sa KIA

Nangunang muli sina Michael DiGregorio at JP Erram sa pagpapataob ng Blackwater Elite sa KIA Picanto, 95-76, sa PBA Philippine Cup, Biyernes ng hapon sa Smart Aranera Coliseum.

Dahil sa pagkapanalo ng Elite ay nakatabla na sila sa Phoenix sa pang-walong puwesto na may 4-5 win-loss record.

Tumapos si DiGregorio ng 21 points habang si Erram ay nagtala ng double-double na 17 points at 14 rebounds para sa Blackwater.

Nakalamang ang Elite ng 26 puntos, 94-68, sa huling 2:05 minuto ng fourth quarter, sapat upang mahawakan ang panalo hanggang sa dulo.

Dahil sa talo, nawalan na ng tiyansa ang Picanto na makahabol sa playoffs.

Sumemplang sila sa 1-8 at mayroon na lamang natitirang dalawang laro.

Sunod na makakabanggaan ng Elite ang NLEX Road Warriors sa Linggo sa Philippine Arena.

Mga iskor:

Blackwater 95 — DiGregorio 21, Erram 17, Maliksi 14, Sena 9, Belo 8, Marcelo 8, Cruz 5, Pinto 5, Jose 4, Javier 3, Banal 1, Cortez 0, Sumang 0, Palma 0, Neypes 0.

KIA 76 — Tubid 22, Celda 21, Corpuz 9, Lastimosa 8, McCarthy 6, Reyes 5, Camson 3, Khobuntin 2, Jamon 0, Galanza 0, Sara 0, Escoto 0, Yee 0, Ababou 0.

Quarter scores: 25-21, 47-41, 77-65, 95-76.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?