13

Jun 11, 2021 @ 22:05
By

Digos City councilor dedbol sa COVID

Pumanaw dahil sa coronavirus disease ang isang miyembro ng Digos City Council, na kumakatawan sa indigenous tribe.

Ayon sa ulat, yumao nitong Biyernes ng umaga si Datu Ernesto Salaysay sa Gonzales Hospital and Clinic sa Digos City.

Na-confine sa ospital si Salaysay dahil sa severe asthma.

Nang isalang siya sa COVID test ay nagpositibo ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?