139

By

Digong sinisi si Trillanes sa pagsakop ng China sa Scarborough Shoal

Idiniin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Aquino administration sa pagkawala ng Scarborough Shoal sa pag-aari ng Pilipinas.

Ang Scarborough Shoal ay dating bahagi ng terirtoryo ng Pilipinas malapit sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine sea.

Sinabi ng Pangulo na palihim na bumiyahe si Trillanes sa China ng siyam na beses at sa huling pagtungo sa China ay nawala sa Pilipinas ang Scarborough Shoal.

“Nung panahon ni Aquino nandiyan na siya, anong ginawa niya? He travelled to China nine times. ‘Yan nga ang ano ni Faeldon eh. On his last visit, we lost the Scarborough shoal, kinabukasan,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na ayaw niyang igiit ang pagbawi sa Scarborough Shoal sa China dahil iniiwasan niyang magka-giyera dahil walang laban ang Pilipinas sa isang super power na bansa.

Tiyak aniyang maraming mabibiyuda kung isasabak niya ang mga sundalo sa mga sundalo ng China.

Matatandaang kinompronta noon ni Senador Juan Ponce Enrile si Trillanes sa Senado kaugnay sa mga sikretong biyahe niya sa China subalit sa halip na sabihin kung ano ang ginawa sa China ay nag-walk out ito sa session hall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?