536
Pagpapatayo ng mga evacuation center, aprubado na ni Duterte
Apr 5, 2019 @ 12:19
By

Digong sinisi ang ‘dilawan’ sa black propaganda vs Pulong

Itinuro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang oposisyon na nasa likod ng black propaganda laban sa kanyang anak na si Paolo Duterte kaugnay sa video na nagsasangkot sa dating bise-alkalde sa iligal na droga.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Puerto Princesa City, Palawan Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na pati siya ay idinamay rin sa black propaganda ng mga kalaban.

Mistulang blind item ang ginawang pagbanat ng Pangulo sa tinukoy nitong nasa likod ng black propaganda na aniya ay nagpapanggap na matigas pero bakla naman.

“Kasama ang mga komunista, ang mga yellow, ngayon may ginawa na namang propaganda kay Pulong, drug pati ako. Pinakatay ko na kayo mga put*ng *na bakit pa ako mag-ano diyan sa droga. Black propaganda. Alam mo sino? Yang patigas na lalaki diyan na…,” anang Pangulo.

Numero uno aniyang kritiko ng Pangulo ang nasa likod ng kumakalat na video na tumatanggap umano si Pulong ng pera mula sa mga sindikato ng iligal na droga.

Bagamat hindi pinangalanan ay tumutukoy kay senador Antonio Trillanes IV ang mga impormasyon ng Pangulo, kung saan binanggit na ang nanay nito ay dealer sa Philippine Military Academy.

“Yang tigas diyan na magsalita , matapang na kung maggalaw akala mo kung sino. Sino diyan yung kritiko ni Duterte na kung magsalita katigas, pero bakla yan.

Kung anong basurang itinatapon sa akin, yung nanay niya p*tangina dealer doon sa PMA. Sino siya? Tapos kung magyabang, sus maryosep. Hamunin ka pa ng barilan, naku day, hindi ako pumapatol ng bakla! Hanap ka ng ibang kalaban,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?