58

By

Digong sa bintang na pinapatay si Atty. Ben: Napaka-small time naman!

Sharing is caring!

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bintang ng mga progresibong kongresista na ang gobyerno ang nasa likod nang paglikida sa abogado ng mga magsasakang napatay sa Sagay City, Negros Occudental na si Atty. Ben Ramos.

Sinabi ng Pangulo na walang dahilan para ipapatay niya ang abogado, na aniya ay napaka-“small time” para patulan.

Ang hindi maganda aniya sa ginawa ng mga kliyente ni Ramos ay ang pag-okupa ng lupa ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pananakot at intimidasyon.

“’Yung abogado nila, kami pa ang pinagbibintangan, ang gobyerno. What the f****** s***? Why would I kill a lawyer? Napaka-small time naman. Why would I assasinate him? For what?” anang Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya papayagang umiral ang anarkiya kaya’t inatasan niya ang mga pulis at sundalo na palayasin ang mga mang-aagaw ng lupa.

Kapag aniya lumaban ang mga komunistang mang-aagaw ng lupa ay labanan at patayin ang mga ito.

“My orders to the police and military, evict them and if they choose to fight, kill them. Mabuti magprangkahan tayo,” anang Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?