8

By

Digong nilindol sa ASEAN meeting sa Indonesia

Sharing is caring!

Nagpadala na ng mensahe ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs sa gobyerno at mamamayan ng Indonesia kasunod ng magnitude 6 earthquake na tumama sa East Java.

Sa huling impormasyon, tatlo ang kumpirmadong nasawi at may ilan pang nasaktan sa pagyanig ng lupa.

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Jakarta, naramdaman ang lindol sa Lombok at Bali, kung saan naroon ngayon si Pangulong Duterte para sa ASEAN Leaders’ Gathering.

Ayon kay Philippine Ambassador Leehiong Wee maayos naman ang kalagayan nina Pangulong Duterte at iba pang kasama sa delegasyon ng Pilipinas kasama na si outgoing Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Dagdag pa ng opisyal, wala pang ulat na may nasaktan sa 257 Filipino na nasa East Java at Bali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?