89

By

Digong, nagbirong ipapakita ang sex video ni De Lima sa Santo Papa

Sharing is caring!

Nakatikim na naman ng panliligbak ang nakakulong na si Senadora Leila de Lima mula kay Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte matapos mapaulat na binigyan siya ng rosaryo ni Pope Francis.

Sa dinaluhang Anti-Corruption Summit sa Pasay City noong Martes ng hapon, pabirong sinabi ng Pangulo na ipapakita niya sa Santo Papa ang umano’y isang sex video.

Bagama’t hindi pinangalanan, ang sex video ay ilang beses nang binanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati sa tuwing babanatan ang nakakulong na senadora.

“‘Yung isa, ‘yung hambog bigyan pa ng rosary ni Pope. Sus si Pope naman oy…kaya sabi ko ‘hanapan mo ako ng video noong ano, ipakita ko kay Pope’. ‘Yan ang…o magtingin pa si Pope, baka mag-alis sa pagka-Pope ‘yan. P***ina, sobra na ‘to. I am just human,” ang pahayag ng Pangulo.

Una rito ay naglabas ng press release ang kampo ni De Lima kung saan nagpasalamat ito kay Pope Francis dahil sa ibinigay na magandang rosaryo at magsisilbi aniyang paalala sa kanya na huwag bibitaw sa pananampalataya at patuloy na lalaban para sa kapakanan ng sambayanan sa kabila ng dinaranas na political persecution.

Nilinaw naman ng Pangulo sa kanyang talumpati na nagbibiro lamang ito at sinabing kapag binabatikos siya, bubuwelta ito at babatikos ng sampung beses.

“That’s a joke. Aabot ng ano ‘yan. I’m joking Pope. You know, if you criticize me, I can criticize you 10 times over. ‘Yan ang mahirap diyan mag-house arrest, ke prisoner of conscience… may prisoner of conscience – libog ‘yan, tapos prisoner of conscience?” dagdag pa ni Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?