81

By

Digong nag-concert sa binyag ni Isabella Padilla

Sharing is caring!

Bumanat ng dalawang kanta si President Rody Duterte nu’ng binyag ni Maria Isabella, anak nina Robin at Mariel Padilla. Isa sa Ninong si P-Digong at sa Instagram post ni Mariel, may hawak na mikropono ang Pangulo at kumanta pala siya.

“The President sang 2x…first he gave a birthday song to @robinhoodpadilla then after meals he sang ‘Ikaw’. You are the coollest Ninong Digong,” caption ni Mariel sa photo.

Hindi lang binyag sa simbahang Katoliko sumailalim si Maria Isabella. Sumailalim din ang bata sa Aqiqah sa kaparehong araw. May isang netizen na kumuwestiyon sa ginawa ng mag-asawa mula sa isang @amberryyy.

“Sana panoorin niyo yung video ni ustadh ahmad patungkol sa aqiqa or binyag

@robindhoodpadilla @marieltpadilla hindi po biro ang ginawa niyo ang Allah na po ang bahala sa ginawa niyo. It’s true po na walang palitan sa Islam pero hindi naman po tama na kung ano lang ang suitable sa inyo po ay yun lang din ginagawa niyo. You really need to know more and more and more about Islam. SubhanAllah.”

Heto naman ang tugon ni Binoe pero wala siyang pangalang binangggit sa parunggit niya.

“No onerous comment is allowed…save your righteousness to yourselves. Interfaith comment is WELCOME peace comment is DIVINE love comment is LOVE.” (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?