197

Jul 20, 2021 @ 15:33
By

Digong kay Del Rosario: Ibuhos ko kape sa mukha mo!

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kakasuhan si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario kapag napatunayan ang iniimbestigahan kaugnay sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Sa kanyang Talk to the People, hindi napigilan ng Pangulo ang mainis kay Del Rosario dahil sa pahayag na may kinalaman umano ang China sa pagkapanalo nito noong 2016 elections.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya nagsasampa ng kaso simula manungkulan sa gobyerno subalit gagawin niya ito kay del Rosario kapag napatunayang nagbigay ng mga impormasyon sa Amerika.

“We are still investigating it. But ikaw Alberto, kapag nasilip ko lang mayroon ka, I will charge you, marami akong idedemanda sa yo. Ikaw ang hahabulin ko kasi ikaw nag-transmit ng message. You are at olden times, kung at war lang tayo sana, you are guilty of treason,” anang Pangulo.

Hindi naitago ng Presidente ang matinding pagkainis kay del Rosario kaya nais niya itong makaharap at mabuhusan ng kape sa mukha.

“I want to see you personally. Where can I meet you? Saan ka ba nagka-kape? Ibuhos ko yang kape sa mukha mo,” ang ngitngit na pahayag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?