190
Digong ieendorso si Imee dahil sa utang na loob - Panelo
By

Digong ieendorso si Imee dahil sa utang na loob – Panelo

Pambayad umano sa utang na loob – ganyan inilarawan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang naging dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-endorso kay senatorial hopeful Imee Marcos.

Ayon kay Panelo sa press briefing sa Palasyo, idinepensa nito ang pagsuporta ni Digong kay Imee, sinabi na wala itong record ng pangungurakot.

Kanyang isinaad na ang pag-endorso ng Pangulo ay may kaugnayan sa naging kampanya nito sa 2016 presidential elections.

“According to the President, he is helping Imee because he is indebted to her. Because she’s one of two governors, who helped him in the (2016) campaign. Utang na loob yata ‘yung kanyang reason,” saad ni Panelo.

“In the first place, Imee is not charged (with corruption)… Wala naman siyang charge ng crime eh,” dagdag pa nito.

Matatandaan na kasama ang pangalan ng Ilocos Norte governor na si Marcos sa mga suportado ni Duterte sa parating na midterm elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?