182
Philippines gustong palitan ng Maharlika ni Duterte
Jun 10, 2019 @ 14:51
By

Digong ‘di sasawsaw sa away nina Bautista, Tulfo – Palasyo

Walang balak na makisabat si Pangulong Rodrigo Duterte sa bangayan nina Social Welfare Secretary Rolando Bautista at broadcaster Erwin Tulfo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, personal umano ang away nina Bautista at Tulfo kaya didistansya ang Pangulo dito.

“As we’ve said, the President does not intrude into any conflict between two individuals or groups. So we’ll leave it to them. It’s a personal thing between Gen. Bautista and Mr. Tulfo,” ayon kay Panelo.

Matatandaan na nagsimula ang isyu ng murahin at pagbantaang sasaktan ni Tulfo sa kanyang programa si Bautista nang hindi ito magpaunlak ng panayam sa mamamahayag.

Humingi ng paumanhin si Tulfo, ngunit hindi umano ito tatanggapin ni Bautista hangga’t hindi ito nagso-sorry sa bawat media outlet at dapat ay mag-donate ng nasa P300,000 sa ilang institusyon.

Dahil sa away, ipina-recall ng Philippine National Police ang mga armas ni Tulfo dahil napaso na umano ang license to own and carry firearms nito noong Mayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?