62

Digong ‘di pupunta ng Amerika hangga’t wala sa ‘Pinas ang Balangiga bells – Locsin

Sharing is caring!

Ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. na sinaad ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya tutulak pa-Amerika hangga’t hindi ibinabalik sa bansa ang Balangiga bells.

Sa tweet ni Locsin, kanyang sinabi na nakausap niya dati ang US Ambassador to the United Nations Nikki Haley at naentra sa kanilang pag-uusap kung bakit hindi pumupunta ng Tate si Duterte.

“Nikki Haley asked me last year, Why is your (P)resident still not coming to the US? I said, He never will until the Bells of Balangiga are returned,” saad ni Locsin.

“She took note and added when we get the bells, no more excuse not to accept Trump’s invitation,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nakatakda nang ibalik ang Balangiga bells dito sa Pilipinas na iginawad sa US bilang war trophy noong 1901.

Kasalukuyang nakalagak ang tatlong bell sa FE Warren Air Force Base sa Wyoming at sa isang US military facility sa South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?