32

By

Digong ‘di alam ang plano ni Paolo sa eleksyon: Matagal ko na siyang ‘di nakakausap

Sharing is caring!

Hindi pa matiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang plano ng kanyang anak na si Paolo Duterte sa darating na eleksiyon.

Sa harap ito ng pag-aabang ng mga taga-Davao City kung tatakbong alkalde o kongresista ang panganay na lalaki ng Presidente.

Sinabi ng Pangulo na matagal na niyang hindi nakakausap si Pulong kayat inaasahan niyang magsasabi ito sa kanya kung ano ang plano sa 2019 midterm elections.

“I don’t know. Frankly, I have not talked to my son for the longest time, simula — well, he has his own family. Maybe he finds few opportunities for me to talk to him. I heard, si Pulong naman, I expect him as a son to come to me and say, “Pa, gusto kong doon na tatakbo.” Kasi alam mo anak ko eh,” anang Pangulo.

Matatandaang nagbitiw si Paolo bilang Vice-Mayor ng Davao City noong nakalipas na taon dahil sa mga intrigang ibinato sa kanya na itinaon noong mismong araw ng Pasko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?