84

Nov 23, 2017 @ 16:21
By

Digong bilang ‘joker’ sa baraha, dinedma lang ng Palasyo

Binalewala ng Malacanang ang paggamit sa mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas na playing card o baraha ng isang organisasyon nakabase sa United Kingdom kung saan siya ang ‘Joker” at tinawag na isa sa mga “hypocritical politicians”.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala silang magagawa kung iyon ang gusto ng organisasyon dahil iginagalang nila ang freedom of expression.

Hindi na aniya nainsulto ang Palasyo at maging ng Pangulo sa ginawa ng dayuhang organisasyon dahil marami ng mas masahol na salita at mga banat ang ginawa laban sa punong ehekutibo.

“Is there anything we can do about that? That was there decision, let it be. The President has always respected freedom of expression so be it. Let’s just say that worst things have been said about the President. He takes it in stride,” ang pahayag ni Roque.

Nakilala ang Pangulo sa buong mundo dahil sa kanyang anti-drug war na umani ng mga puna at batikos lalo na sa European Union, United Nations at dating administrasyon ng Estados Unidos dahil sa isyu ng extra judicial killing na iniuugnay sa kanyang kampanya kontra sa illegal na droga.

Lantaran din ang pagbanat ni Pangulong Duterte sa EU at UN dahil sa pakikialam ng mga ito sa panloob na usapin ng Pilipinas. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?