251

Jun 16, 2019 @ 13:07
By

Digong aaksyon na sa pag-hit and run ng Chinese vessel

Matapos batikusin dahil sa pananahimik nito sa isyu ng pambabangga ng Chinese vessel sa barko ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank, sa wakas ay magpapatawag na ng pulong si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng nasabing insidente.

Ayon sa report ng Inquirer.net, magkakaroon ng special meeting si Duterte kasama ang kanyang gabinete partikular sa pangyayari sa West Philippine Sea kung saan binangga at inabandona ang 22 mangingisdang Pinoy sa Recto Bank habang papalubog ang sinasakyan nilang bangka.

Alas-tres ng hapon umano ang meeting, ngunit hindi tukoy kung ano ang magiging sentro ng diskusyon sa insidente.

Matatandaan na naghain na ng diplomatic protest si Foreign Affairs Secretary Teddy boy Locsin kontra China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?