98

Oct 5, 2021 @ 15:26
By

Digital quality of life ng mga Noypi gumanda

Umangat ang ranggo ng Pilipinas sa inilabas na pag-aaral ng cybersecurity firm na Surfshark pagdating sa digital quality of life ngayong taon.

Sa nasabing pag-aaral, pang-48 pwesto ang Pilipinas sa 110 bansa, na mas mataas ng 18 spots mula sa ranggo noong nakaraang taon.

Niranggo ang mga bansa batay sa limang factors: internet affordability, internet quality, electronic security, electronic infrastructure at electronic government.

Pang 72 ang bansa sa internet affordability, ika-20 sa internet quality, ika-30 sa electronic security, pang-63 sa electronic infrastructure at pang-67 sa electronic government.

Ang Top Five sa rankings ay Denmark, South Korea, Finland, Israel at USA.

Ikinatuwa naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang resulta ng pag-aaral ng Surfshark.

“The results present great development but we will not stop there. We are working with the telco industry and other government agencies to ensure that even the average Filipino will have access to the best service possible,” pahayag ni DICT Secretary Gringo Honasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?