30

Jun 24, 2022 @ 16:45
By

Diesel, kerosene asahang taas-presyo sa susunod na linggo

Pinapaalalahanan na naman ang mga motorista na posibleng taas-presyo na naman ang diesel at kerosene sa susunod na linggo dahil sa halaga ng Philippine peso kontra US dollar.

“Ngayong week bumaba ang ating trading prices ng gasoline, diesel at kerosene. Unfortunately, in a matter of five days, halos piso ang itinaas ng ating peso compared to US dollar,” sabi ni Oil Industry Management Bureau ng Energy Department director Atty. Rino Abad.

Ipinahayag naman niya na mananatili sa kasalukuyang presyo ang gasolina o maaaaring bumaba.

“So when we computed, unfortunately, ang ini-expect natin if not baka hindi pa ito magko-cause ng rollback. Pero ang gasolina may chance ng konting rollback o walang adjustment. Yun ang tinignan natin,” dagdag niya.

Saad din ni Abad na aakyat ng mahigit sa P1 kada litro ang presyo ng diesel habang tataas din ang presyo ng kerosene mababa pa sa P1 kada litro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?