167

Nov 17, 2021 @ 19:11
By

Diego sinagot ang paratang ni Xian laban sa nobya

Napapabalitang si Barbie Imperial ang tinutukoy ni Xian Gaza sa blind item nito na dahilan daw ng hiwalayan ng dalawang social media influencer.

To the rescue naman ang nobyong si Diego Loyzaga at pinabulaanan ang haka-haka.

Nag-post sa Instagram si Diego ng larawan kasama ang kaniyang girlfriend at sinabing ‘wag maniwala sa kwento lang.

“Don’t get caught up in all that noise. It’s just a noise,” caption nito sa kaniyang Instagram post.

Dagdag pa nito na “chill” lang daw sila ng girlfriend sa kabila ng issue.

“My baby gurl and I are chillin. So sit back, relax, enjoy life.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?