112

Jan 15, 2021 @ 21:05
By

Diego pinakilala na si Barbie sa pamilya

Level up na ang relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Inamin ni Barbie na nakilala na niya ang mommy ni Diego na si Teresa Loyzaga pati na rin mga kapatid ng kanyang nobyo, ayon sa ulat ng Kami.

Itinuturing na raw niyang sariling nanay si Teresa at malaki ang paghanga niya rito dahil sa sobrang bait.

“I met his mom, brother, lola, sisters (Angelina, Sam at Chesca), sila tita Bing and her family (ate Chi, ate Gabs, tito Janno). They’re really nice! Her mom, I love her. She’s like a mother to me po. Sobrang bait niya,” sey ni Barbie.

Boto rin daw ang family niya kay Diego.

“He loves my family. Siya lang po yung guy na naka-close ng mom and brother ko. He respects my family. Sobra ‘yung respeto niya sa pamilya ko… They all love Diego. Sobrang close po sila kay Diegs. To the point na mas gusto nila lagi nasa bahay si Diego. Lalo na yung kuya and mom ko mas madalas pa nila hanapin si Diego,” lahad pa ng aktres.

Samantala, ipinost ng isang netizen na si catherine_veradona ang larawan ni Barbie kasama si Teresa, at si Diego kasama naman ang ina ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?