36

Jan 14, 2021 @ 19:53
By

Diego Loyzaga may sweet surprise kay Barbie

Sinurpresa ni Kapamilya actor Diego Loyzaga ang nobya nitong si Barbie Imperial kahapon.

Sa Instagram ni Imperial, ibinahagi niya ang mga litrato nila sa loob ng silid na puno ng mga puting lobo, mga ilaw at nakakalat na mga petal ng bulaklak sa sahig.

May mga nakasabit rin na mga litrato ng couple sa lobo.

“Came home to this. Grabe naman. Thank you, grabe ka talaga. You’re the best. Thank you my love @diegoloyzaga,” ani Imperial sa caption ng kanyang post.

Nag-reply naman dito ang aktor at sinabing iyon pa lamang ang simula.

“This is just the beginning,” aniya

Nito lamang Bagong Taon ng kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?