11

By

Diego Loyzaga game sa pagpantasya ng mga bading

Sharing is caring!

Now I know kung bakit of late ay nagpo-post si Diego Loyzaga ng kanyang mga nakakaelya ring topless photos kung saan kita ang malaking improvement ng kanyang pangangatawan.

Ang dating patpating si Diego ay punumpuno na rin ng muscles na karamihan sa mga beki ay napapakagat-labi sa pagnanasa sa kanya ngayon.

Aba, sasabak na rin para ito sa isang sensual teleserye na parang takeoff sa Pasion De Amor noon na may parehong tema kung saan mas lalo ring kinaelyahan sina Ejay Falcon, at maging si Jay Cuenca na makakasama rin ni Diego sa bagong teleserye.

Inaasahan na raw ng anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano na puwedeng maging object of desire siya ng ikatlong lahi at ng mga kababaihan, kaya inihahanda na niya ang kanyang sarili sa parteng ito.

Maging ang kanyang preparasyon sa pagsisimula ng Los Bastardos ay very focused din siya dahil alam niyang makakatanggap siya ng hindi magandang komento kung magpapabaya siya, noh!

Aba, labanan din kasi ng kaseksihan ito at guwapuhan kung saan bukod sa kanya ay maglalantad din ng kanilang pamatay na katawan sina Marco Gumabao, at Albie Casiño na dalawa sa most-desired men din sa showbiz.

Bad boy role ang role niya rito, pero okey lang kay Diego dahil maging sa totoong-buhay daw ay ganun ang image na gustong palabasin ng mga tao. Kaya, feeling niya ay magagampanan niya ito nang maayos dahil meron na rin siyang premise tungkol sa role.

Magandang break ito para sa kanya dahil ilang taon na rin siyang naghahanap ng tamang lugar sa showbiz kaya sa palagay niya ay ito na ang simula ng iba pang magagandang opportunities na darating sa kanya.

Masarap nga raw maging dyowa si Jak dahil kahit umuulan at nawala ito sa isang shoe store ay okey lang sa kanya. Na kahit feeling niya ay mataba siya pero ang laging sasabihin sa kanya nito ay maganda siya.

‘Yung mahilig itong kayapin siya at halikan siya sa may noo na mas nakaka-secure sa kanya bilang babae, at ‘yung hindi siya binibitawan kahit ano pa ang mangyari.

Well, kahit nga naman sinong girlalu ay tiyak na inggit-much sa kanya, noh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?