45

Dec 7, 2021 @ 17:24
By

Diego kay Xian: Pinagkakaperahan paggawa issue tungkol sa kanila ni Barbie

Sinagot na ni Diego Loyzaga ang ilang isyu na ibinabato tungkol sa relasyon nila ng kasintahan na si Barbie Imperial.

Matatandaang kamakailan ay nag-post ang kontrobersyal na si Xian Gaza tungkol kay Diego na binibisita umano nito si AJ Raval.

Ayon kay Diego, hindi raw talaga mawawala ang mga ganitong issue sa industriya ng showbiz.

“I don’t think that will ever stop. It happens to absolutely everyone who’s you know in the showbiz world and in the entertainment industry,” saad ng aktor sa isang panayam.

Sinabi rin ng aktor na ito raw ang pinagkakakitaan ng taong hindi na niya pinangalanan pa, ngunit malinaw na si Xian ang tinutukoy nito.

“That person, he makes money writing up BS story about other people,” ani Diego.

Aniya, nakakatakot daw na may ganitong klase ng tao.

“That’s the scarier part. Scary na nga na may gano’ng tao,” wika ni Diego.

Sinabihan din daw umano ng aktor ang kaniyang nobya na walang dahilan upang pagdudahan siya nito dahil lagi umano silang magkasama.

“I looked at Barbie and I said to her, ‘babe, I have been with you every single day since we got together. There wasn’t a single moment that I could have a chance to do anything na, you know, anything sketchy. So you know this! You know na this is a bunch of made up baloney!’ Natawa na lang kami,” dagdag pa nito.

Pahayag pa ng aktor na sarili at ang relasyon lang nila ni Barbie ang iniisip niya at wala ng iba pa.

“Basta I’m minding my own business, and my business is Barbie also. So, I’m minding the both of us and nothing else,” pahayag ni Diego.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?