265
abante-tnt-vismin-diego-loyzaga
May 20, 2018 @ 22:00
By

Diego hinamon ang mga kalaban

Hindi pa tapos si Diego Loyzaga sa pakikipaglaban sa mga basher niya kaugnay ng mga Instagram photo niyang nasa Boracay kasama ang mga kaibigan. Umani siya ng banat sa post niyang ito bago siya humingi ng dispensa na lumang litrato ‘yon at hindi niya binastos ang utos ni President Digong Duterte kaugnay ng rehabilitation ng ilang bahagi ng isla.

Sa Twitter account ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga ipinagpatuloy ang mga kuda niya. Hinamon pa niya ang netizens-bashers niyang magpakita sa kanya.

“I seriously dare, kahit isa lang na nag-hate, pakita ka sakin. Prove your point to me. Lets see what happens,” isa sa tweets ni Diego.

Sa naranasan niya, naramdaman ni Diego na you cannot please everybody sa mga ginagawa niya.

“Post a photo with another woman, issue. Post a picture of throwback, issue. Lahat issue at pinaghuhusgahan. How much longer can one deal with people na napakakitid ng utak. No wonder why so many people get depressed and quit showbiz cause of stupid people like u.

“Sick o(f) pleasing people. Seriously #keepitreal don’t give a shxt about what anyone else thinks or think they know about you. Im gonna speak up bcos other artists cant dahil iniingitan ang image. Idc anymore. Sick of you ignorant people,” matapang na tweet ni Diego.

Palibhasa millennial kaya may tapang sumagot si Diego sa bumabanat sa kanya. Eh kung father nga niya nasagut-sagot niya minsan, ano pa kaya ‘yung hindi niya kilala, huh!

Tama naman siya sa parteng, “ You cannot please everybody.” What you owe your audience is a good performance at not your personal life.

‘Yun nga lang, talamak na sa social media ang mga troll. Mga duwag ang karamihan dito na kapag sinisiyasat ang account nila eh naka-private ito. Nagtatago sila sa dilim lalo na’t meron nang Anti-Cybercrime Bullying Law.

Nagkamali lang si Diego na ilabas ang throwback foto sa Boracay ngayong nasa sentro ng kontrobersiya ang ama kaugnay ng isang tourism project. Damay tuloy siya!

Namnamin na lang ni Diego ang lyrics ng kanta ng Ex Battalion na Hayaan Mo Sila. Artista siya at sikat ang ama kaya that’s the price he has to pay!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?