49

Jun 23, 2022 @ 10:57
By

Diego, Franki in-unfollow na isa’t isa sa IG

Marami ang napatanong kung anong nangyari sa namumuong pag-iibigan nina Diego Loyzaga at Franki Russell.

Ilang netizen kasi ang nakapansin na in-unfollow na nina Diego at Franki ang isa’t isa sa Instagram.

Ito ay matapos aminin ng actor na nasa dating stage sila ni Franki, dalawang linggo lang ang nakalilipas.

Bukod pa riyan, ibinahagi rin ni Diego ang larawan sa IG story kung saan kasama niya si Markus Paterson at may tugtog na “Single Again.”

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?