9
die-beautiful

‘Die Beautiful’ wagi sa UK

Sharing is caring!

Patuloy sa pagningning sa mga nahamig na karangalan mula nang magbukas sa Tokyo International Film Festival ang pelikulang “Die Beautiful” ni direk Jun Lana.

Nabitbit ng comedy-drama, kung saan bida si Paolo Ballesteros bilang gay pageant contestant, ang best feature award sa taunang Newcastle International Film Festival na ginanap sa United Kingdom.

Ayon sa ulat, sorpresa umano kina Lana ang nasabing award dahil ang UK distributor nito na Oration Films ang nagsabak sa pelikula nila sa festival.

Nasa London umano ang coproducer nito na Perci Intalan pero hindi inabutan ang awards ceremony.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?